Wednesday, September 21, 2016

Teknolohiya;social media


Bagong henerasyon, bagong imbensyon. Marami nanamang kawiwilihan ang mga kabataan ngayong panahon. Bukas wifi, upo sa sofa at buong hapong nakahilata at nakatitig sa mga bagong gadgets na walastik. Isaag pindot lang, game na! start na! Hindi na mautusan, hindi na makalabas ng bahay, hindi na maenjoy ang buhay, tila natigil ang mundo sa pag da download ng pani bagong app, pag s-share  ng kung anu-ano sa facebook, pag c-chat kahit kanino. Nakakabaliw! Nakakawindang!
Oo, tama ka. ito'y masaya! Dahil  ito'y bago saating a paningin at pandinig. WOW! Hindi mo na  matuon ang iyon sarili sa dapat at nararapat mong gawin dahil naimpluwensyahan kana nga ng tila makabagong  mundo. Ngunit, minsan ikaw talaga ay mababagot, teka ito na, na gising kana sa katotohanang ikinulong ka sa mundong puro teknolohiya. Pansinin mo ang paligid, makinig ka sa sinasabi sayo ng tunay na mundo "Masaya kung ako ang pag tutuunan mo ng pansin paniguradong makakatulong ka saakin". Mas marami pang katotohanang dapat mong alamin, ngunit dahil nakikita mong ito ang nauuso, ito ang iyong ginagawa at tila sinasanay mo ang iyong sarili at sinisiksik mo ang iyong sarili mo sa maliit na mundo ng teknolohiya.
 Ang antas ng wika na ginamit ay kolokyal. Ang barayti ng wika ay idyolek aat sosyolek. Ang tungkulin naman ng wika aay personal, pag papahayag ng sariling damdamin.  

Change is coming

   

Sa pag daan ng ilang buwang pag kapanalo ng kasalukuyang pangulo ng bansang Pilipinas, tila ating mababatid na maraami na ngang pag babago  ang nangyayari saating paligid, kaya naman hindi na ko mag tataka kug isang araw habang ako'y nag lalakad papunta saaking paaralan ay may nag hahabulan dahil sa pag nanakaw, may nag babarilan dahil may terorista  o di naman kaya ay may hinuhuli dahil sa pag do-droga.
Patay dito, patay doon, patay sa kahit saan. Ito ang dahilan na hindi mawari ang katotohanan at isinisigaw "WAG AKONG TULARAN, AKO'Y ISANG PUSHER" pag patay na tila ba akala mo'y hindi nila nilalabag ang batas moral, pag patay na  wari  mo'y makapangyarihan pa sa nag bigay buhay. Ito ang mundong iyong ginagalawan. Mapusok, magulo, maimpluwensya, hanggang sa unti-unti mo nanamang mararamdaman ang pag kakulong sa kamay ng diktador dahil sa pagbabagong gustong maganap. Nag bubulag-bulagan sa katotohananng tayo'y nasaskop ng kapangyarihang hindi mawari kung ito  ba'y nararapat ipagkaloob. Sa susunod na panahon, tayo'y mas maliliwanagan sa madilim na paraan na sinasabing pag babagong nagaganap sa bayan na iyong minamahal at kinalakhan.
Ang antas ng wikaa na ginamit ay pambansa, samantalang ang barayti ng wika na ginamit naman dito ay idyolek maaari rin itong sosyolek at ang tngkulin naman ng wika ay personal kung saan ipinapahayag rito ang sariling damdamin. 



Usok na Nilalanghap ng mga Kabataan

                                         Image result for yosi boys
       Isang peste na pumapatay sa sistema ng mga kabataan saaking panahon. Sinusunog ang baga, nilalamon ng maitim na usok ang pangarap nilang makinang. Ang labi  akal mo'y na subsob sa ulling dahil ito'y nangitim. Tumingin ka sa iyong kaliwa, tumingin ka sa iyong kanan, at kahit saan pang sulok ka pa tumingin, makikita lamang ng iyong mata ang mga kabataan na humihithit ng nakakasulasok na usok ng nakamamatay na sigarilyo.
       Nakakalungkot! Nakakadismaya! Ang reaksyon ng karamihan sa mga nakatatanda, nag papahiwatig na tila nawawalan na ng pag asa ang mmga kabataang pag asa ng bayan. Hindi mo na alam kung anu-ano na ang nang yayaring hindi mo aakalain. Sa murang halaga ng sigarilyo na ito, malalanghap mo na ang iyong kinaadikan. Nakakapagtaka lang! Ano kayang pakiramdam, kung habang ikaw ay humihithit ng ganitong  bagay, ilang piraso man ang iyong matikman. Gaano ba ito kaimporatante at mas nauuna pa nilang gawin ang mga ito kaysa sa kanilang mga prayoridad sa buhay. Kung isa man to sa paraan upang mawala ang kanilang depresyon na pinag dadaanan, saaking palagay ay hindi ito tama at hindi ako sumasangayon sa pag gamit nila nito. 
      Ang antas ng wika  na ginamit sa blog na ito ay pambansa, hindi gumamit ng kahit anong antas masasalammin ito sa buong blog. Ang barayti ng wika ay dayalek, katulad na lamang sa linyang "Nakakalungkot! Nakakadismaya!" at ang tungkulin naman ng wika ay impormatibo at personal.