Change is coming
Sa pag daan ng ilang buwang pag kapanalo ng kasalukuyang pangulo ng bansang Pilipinas, tila ating mababatid na maraami na ngang pag babago ang nangyayari saating paligid, kaya naman hindi na ko mag tataka kug isang araw habang ako'y nag lalakad papunta saaking paaralan ay may nag hahabulan dahil sa pag nanakaw, may nag babarilan dahil may terorista o di naman kaya ay may hinuhuli dahil sa pag do-droga.
Patay dito, patay doon, patay sa kahit saan. Ito ang dahilan na hindi mawari ang katotohanan at isinisigaw "WAG AKONG TULARAN, AKO'Y ISANG PUSHER" pag patay na tila ba akala mo'y hindi nila nilalabag ang batas moral, pag patay na wari mo'y makapangyarihan pa sa nag bigay buhay. Ito ang mundong iyong ginagalawan. Mapusok, magulo, maimpluwensya, hanggang sa unti-unti mo nanamang mararamdaman ang pag kakulong sa kamay ng diktador dahil sa pagbabagong gustong maganap. Nag bubulag-bulagan sa katotohananng tayo'y nasaskop ng kapangyarihang hindi mawari kung ito ba'y nararapat ipagkaloob. Sa susunod na panahon, tayo'y mas maliliwanagan sa madilim na paraan na sinasabing pag babagong nagaganap sa bayan na iyong minamahal at kinalakhan.
Ang antas ng wikaa na ginamit ay pambansa, samantalang ang barayti ng wika na ginamit naman dito ay idyolek maaari rin itong sosyolek at ang tngkulin naman ng wika ay personal kung saan ipinapahayag rito ang sariling damdamin.
No comments:
Post a Comment