Usok na Nilalanghap ng mga Kabataan
Isang peste na pumapatay sa sistema ng mga kabataan saaking panahon. Sinusunog ang baga, nilalamon ng maitim na usok ang pangarap nilang makinang. Ang labi akal mo'y na subsob sa ulling dahil ito'y nangitim. Tumingin ka sa iyong kaliwa, tumingin ka sa iyong kanan, at kahit saan pang sulok ka pa tumingin, makikita lamang ng iyong mata ang mga kabataan na humihithit ng nakakasulasok na usok ng nakamamatay na sigarilyo.
Nakakalungkot! Nakakadismaya! Ang reaksyon ng karamihan sa mga nakatatanda, nag papahiwatig na tila nawawalan na ng pag asa ang mmga kabataang pag asa ng bayan. Hindi mo na alam kung anu-ano na ang nang yayaring hindi mo aakalain. Sa murang halaga ng sigarilyo na ito, malalanghap mo na ang iyong kinaadikan. Nakakapagtaka lang! Ano kayang pakiramdam, kung habang ikaw ay humihithit ng ganitong bagay, ilang piraso man ang iyong matikman. Gaano ba ito kaimporatante at mas nauuna pa nilang gawin ang mga ito kaysa sa kanilang mga prayoridad sa buhay. Kung isa man to sa paraan upang mawala ang kanilang depresyon na pinag dadaanan, saaking palagay ay hindi ito tama at hindi ako sumasangayon sa pag gamit nila nito.
Ang antas ng wika na ginamit sa blog na ito ay pambansa, hindi gumamit ng kahit anong antas masasalammin ito sa buong blog. Ang barayti ng wika ay dayalek, katulad na lamang sa linyang "Nakakalungkot! Nakakadismaya!" at ang tungkulin naman ng wika ay impormatibo at personal.
No comments:
Post a Comment